Halimbawa ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin

            Ang uri ng sulating Teknikal-Bokasyonal ay isang komunikasyon gamit ang pagsusulat. Ito rin ay isang propesyunal na sulatin dahil sa mga teknikal nitong aspeto na ginagamit sa iba’t-ibang larangan. Kaya, ang laman ng teknikal-bokasyonal na mga sulatin ay puno ng mga espesyalisadong bokabularyo na hindi maiintindihan kapag walang tamang konteksto. Ang mga terminolohiya at mga salitang ito ay makikita lamang sa isang espisipikong larangan. Pagiging malinaw, nauunawaan, tiyak, tumpak, obetibo, kumpleto ang impormasyon, may espesyalisadong bokabularyo, walang kamaliang gramatikal, walang kamalian sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian ay ang mga taglay nitong katangian.

            Ang imahe sa itaas ay isang halimbawa ng teknikal-bokasyonal na sulatin. Ito ay isang ANUNSYO. Ang anunsyo ay isang sulatin na nagbibigay alam sa mga mambabasa ng nararapat na impormasyon.


Comments

Post a Comment